^

Dr. Love

Love is blind

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong Celia, 24-anyos. Nakapangasawa po ako ng isang midget o unano. Mahigit sa tatlong talampakan lang ang height niya gayung ako ay 5’4 ang taas.

Kahit ganun siya, may mabuti siyang katangian at dahil doon minahal ko siya. Matulungin siya sa ibang taong may pangangailangan at masipag siya.  Pumapasada siya dati ng tricycle sa araw at sa gabi’y nagtitinda ng balot. May isa na kaming anak na 3 years old at ayaw muna naming madagdagan habang nag-iimpok pa kami. Nagtatrabaho naman ako bilang elementary teacher.

Kahit ang mga co-teachers ko ay hanga sa ugali niya. Pero kung naglalakad kami sa labas, laging may kumukutya sa amin. Hindi na lang namin ito pinapansin.

Kaso masakit para sa akin kapag pinipintasan ang asawa ko. Alam kong nasasaktan din siya pero sinasarili na lang niya. Ngayon po ay nakapagpatayo siya ng isang tindahan ng piyesa ng tricycle at tumigil na sa pamamasada para ito ay kanyang maasikaso. Doon na bumibili ng piyesa ang mga trike driver na kaibigan niya at maganda ang kinikita.

Kahit ako ay nagtataka minsan kung bakit umibig ako sa kanya at ngayo’y naniniwala ako sa kasabihang love is blind. Pero sana, maging mabuti naman ang ibang tao at huwag siyang pintasan dahil kapwa kami nasasaktan. Sana’y mabigyan mo kami ng word of consolation kung paano maiibsan ang sakit na dulot ng pamimintas ng ibang tao.

Celia

Dear Celia,

Hindi bulag ang pag-ibig. Napakatalas ng paningin nito at ang mga magagandang katangiang hindi nakikita ng iba ay nakikita nito. Magtengang-kawali na lang kayo kung may namimintas o kaya ay gantihan ng ngiti ang sino mang kakantyaw sa inyong dalawa.

Hindi lang ikaw ang nasa ganyang situwasyon. Marami ng babae na nakapag-asawa ng mga midgets pero nabubuhay ng maa-yos at hindi nag-aaway. Mas marami nga ang parehong normal ang mag-partner, pero ang relasyon ay nauuwi sa hiwalayan sa bandang huli.

Naniniwala ako na sa pagtutulungan ninyong mag-asawa at uunlad ang inyong kabuhayan kaya huwag padala sa sinasabi ng iba.

Dr. Love

CELIA

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with