Sino ang pipiliin?

Dear Dr. Love,

Hello po at sana ay nasa mabuti kang kalagayan kapag tinanggap mo ang sulat kong ito. Tawagin mo na lang akong Verna, 19 anyos.

Dalawa po ang aking boyfriend. Isa ay nandito sa Metro Manila at ang isa ay nasa probinsya namin sa Lucena na nakilala ko nang magbakasyon ako roon last summer.

Pareho silang matimbang sa akin. Ayoko sana na maging two-timer pero hindi ko na­iwasan dahil pareho silang may pitak sa puso ko.

Natatakot po ako na magkakilala sila. Kasi, sinabi ng boyfriend ko sa Lucena na dadalawin niya ako sa amin sa Quezon City. Kaso, kapitbahay namin ang aking boyfriend at sigurado ako na mapapansin ang pagdating niya.

Ano ang gagawin ko?

Verna

Dear Verna,

Hindi ka puwedeng mamangka sa dalawang ilog at pananatilihin mong sikreto ito.

Maaga pa ay piliin mo na kung sino sa kanila ang ibe-break mo. Kung hirap kang magpasya, kahit toss-coin, pero kahit sa anong paraan ay dapat isa lamang ang piliin mo.

May isip ka naman. Evaluate mo ang ka­ni­lang mga ugali at doon mo ibase ang gagawin mong desisyon.

Natural, ang isa sa kanila ay masasaktan, ngunit wala kang choice kundi kalimutan ang isa sa kanila.

Dr. Love

Show comments