^

Dr. Love

Bigotilya ang itinatangi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tatlong taon ko nang kaibigan si Sarah, magkaopisina kami sa isang ahensiya ng gobyerno sa nakalipas na sampung taon.

Gusto ko po siya nang higit sa kaibigan. Mabait, masayahin, maputi at maganda. Ang nag-iisang masasabing kapintasan lang sa kanya ay ang pansinin niyang bigote.

Dahil maputi siya ay hindi basta maitago ng pulbos o face powder. Maging ang mga kapatid kong babae ay ito rin ang agad na napuna sa kanya. Ang sabi pa nila sa akin, ang babaeng may bigote raw ay matapang at dominante.

Dr. Love, nararamdaman ko na mahal ko si Sarah. Madalas kong sabihin sa aking sarili na siya na ang babaeng para sa akin at gusto kong makasama sa hirap at ginhawa.

Pero nakakailang ang bigote niya. Naiisip ko kung ano kaya’t tanungin ko siya kung bakit ayaw niyang tanggalin ‘yun, gayung may modernong paraan naman na sa mga salon. Hindi kaya magalit siya sa akin?

Ayaw ko lang naman po na may masasabi ang iba sa babaeng itinatangi ko. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Maraming salamat po sa inyo at mabuhay po kayo.

Gumagalang,

Allan

Dear Allan,

May kahabaan na rin ang inyong pagsasama bilang magkaopisina at bilang magkaibigan. Marahil kahit paano ay alam mo na ang persona­lidad na mayroon siya at ganon din siya sa iyo.

Sa palagay ko ay hindi niya mamasamain kung maio-open mo ang tungkol sa kanyang bigote sa sitwasyon na hindi maririnig ng iba at sa sinserong paraan ng pagsasabi sa kanya.

Iparamdam mo sa kanya na concern ka lang at sa tingin mo ay lalong aangat ang ganda niya kung wala ‘yun. Sana unti-unti ay makapag-move forward ka sa puso niya. Galingan mo.

DR. LOVE

vuukle comment

AYAW

DAHIL

DEAR ALLAN

DR. LOVE

GALINGAN

GUMAGALANG

IPARAMDAM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with