^

Dr. Love

Pilit na pagsisiping?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magsasampung taon na kaming kasal ng mister ko, limang taon na ang aming anak pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nasusundan.

Ipinapalagay ko po na ang dahilan nito ay ang nao­obserbahan kong madalas na katamlayan ng mister ko sa aming pagsisiping. Gusto ko pa po sana magkaanak kahit isa bago ako mag-40 anyos.

Pero malimit ang tampuhan namin dahil ikinasasama po ng loob ko ang sinabi ng mister kong mukha akong patay kapag kami ay nasa aming intimate moment. Hanggang sa niyaya niya akong manood ng mga DVD tapes niya, na para sa akin ay mahalay at hindi angkop gawin ng disenteng mag-asawa.

Sabi pa ng mister ko, masyado raw akong maraming inhibition sa katawan kaya tatanda na akong hindi nakakalasap ng kaligayahan sa buhay. Para sa kanya educational ang mga DVDs na ‘yon.

Ngayon po ay gabing-gabi na siya kung umuwi dahil hindi ako pumayag sa gusto niya. May karapatan po ba siyang pilitin akong gawin ang ayaw ko sa aming pagsisiping?

Gusto ko namang mapaligaya siya at ayaw kong tuluyang umasim ang aming relasyon dahil lang sa makaluma ko raw approach sa sex. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Nerissa

Dear Nerissa,

Mahalagang matandaan natin na ang kaliga­yahan sa pagsisiping ay hindi lang para sa mister o sa misis, kundi sa parehong panig. Kung dara­ting sa punto na magkakaroon ng pilitan o hindi bukal sa loob na pagsang-ayon, hindi ito tama.

Pero reading between the lines, sa palagay ko ay sapat naman ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa relasyon ninyong mag-asawa para i-reconsider ang gusto ng asawa mo. Just give it a try, in a way ay ipinapakita mo sa kanya na hindi mo siya binabalewala. Kung may ma­ging problema, siguro naman ay hindi niya mamasamain kung pareho kayong mag-adjust. After all, marriage is a life time adjustment.

DR. LOVE    

DEAR NERISSA

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

IPINAPALAGAY

MAGSASAMPUNG

MAHALAGANG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with