^

Dr. Love

Kumapit sa patalim

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Celo. Sa tuwing naaalala ko ang panloloko sa akin ng aking asawa ay nanggigigil ako sa galit.

Kahit matagal nang nangyari ‘yun ay hindi pa rin mawala sa aking gunita. Nauna siyang magtrabaho sa akin sa abroad. Sa Saudi Arabia siya nagtrabaho. Nabalitaan ko na may isang lalaki roon na nakarelasyon niya. Humi­ngi na siya ng tawad sa akin at pinatawad ko naman pero bakit hindi mawala ang aking galit lalo pa’t kasama namin sa bahay ang kanyang naging anak na ibang lahi?

Sabi niya, kumapit lang siya sa patalim sa lalaking malaki ang naitulong sa kanya nang siya’y nasa kagipitan. Napunta siya sa isang abusadong amo na nananakit sa kanya at ang lalaking ‘yun daw ang tumulong para matakasan niya ang kanyang amo.

Ang katawan ng aking misis ang hininging kapalit.

Ang hindi ko matanggap ay nauwi sa ser­yosong relasyon ang ugnayan nila hanggang siya ay magdalantao kaya napilitan siyang umuwi­ sa Pilipinas.

Para akong mababaliw, Dr. Love lalo pa at nakikita ko ang kanyang anak na mukhang Arabo na limang taong gulang na. Gusto kong sakalin ang batang ito kahit alam kong wala siyang kasalanan.

Tulungan mo ako, Dr. Love.

Celo

Dear Celo,

May kasabihan tayo na hindi puwedeng ituwid ang isang pagkakamali ng isa pang mali. Kung seryosong humihingi ng tawad sa iyo ang misis mo, patawarin mo siya dahil ang pagpapatawad ay isang dakilang bagay na magagawa ng taong may pananalig sa Dios.

Napilitan siyang kumapit sa patalim dahil wala siyang masasandalan noon sa panahon ng kanyang matinding problema sa amo na nagmamalupit sa kanya. Ito’y isang bagay na dapat mong ikonsidera.

Dr. Love

ARABO

CELO

DEAR CELO

DIOS

DR. LOVE

HUMI

SA SAUDI ARABIA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with