^

Dr. Love

Manyakis ang tatay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Virgie­, 40-anyos at may dalawang anak. Babae po ang panganay ko na ngayon ay 12 taon at lalaki naman ang bunso, 9-anyos.

Hiwalay na po ako sa asawa mula nang makulong siya sa pagmomolestiya sa sariling anak sa dati niyang ka-live in bago kami nagkakilala at nagpakasal.

Nang makulong si Ricardo, maliliit pa ang dalawa naming anak at walang kamalay-malay kung ano ang kasalanang kanyang nagawa. Ang problema ko ngayon, nabigyan ng parole ang dati kong asawa at nakikitira ngayon sa kanyang matanda nang ina.

Ang mga kapatid niya ay galit din sa kanya dahil bago niya minolestiya ang sariling anak, isang batang pamangkin niya ang pinagtangkaan niyang halayin.

Dinadalaw na po niya ngayon ang aming­ mga anak, tumututol po ang kalooban ko pero hindi ko magawang ipagkait sila sa kanilang ama na matagal din nilang na-miss. Gusto po ng pa­nganay ko na sumama sa kanyang ama sa pro­bin­­siya para magbakasyon, hindi ko po ma­ipagkakatiwala sa kanya ang aming­ pa­nga­nay, pero paano ko ipapaliwanag kay Daisy­? Gayong ang sabi pa ni niya ay mabait naman pala ang kanyang tatay.

Gusto ko po sana ay mag-mature muna ang mga bata bago ko ipagtapat sa kanila ang dahilan ng pagkakakulong ng kanilang tatay. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po and God bless you.

Yours sincerely,

Virgie

Dear Virgie,

Sa palagay ko ay huwag mo nang hintayin ang pagdadalaga ng iyong anak bago mo ipa­liwanag sa kanya ang mga nangyari, dahil baka mahuli na ang lahat. Sa paraang mau­unawaan niya, ipaliwanag mo sa kanya kung bakit hindi ka payag na sumama sa kanyang ama sa malayo. Maaari mo rin naman ipagtapat sa kanya ang lahat, basta sa paraang hindi niya kamumuhian ang sariling ama. Bago mo gawin ito, hingin mo ang patnubay ng Dios para maging maayos ang resulta.

DR. LOVE

ANAK

DEAR VIRGIE

DINADALAW

DIOS

DR. LOVE

GAYONG

NIYA

SHY

VIRGIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with