Dear Dr. Love,
Hi and Hello Dr. Love! Kumusta po kayo? Please, ikubli mo na lang ako sa alias na Liz.
Ako po ay 14-anyos pero mayroon na akong crush. Open ako sa parents ko lalo na sa mama ko kaya ipinagtapat ko ito sa kanya. Sabi niya, ok lang na humanga pero huwag ‘yung seryosong love affair. Marami pa raw akong dapat matutunan sa buhay.
Ang problem ay best friend ko ang niligawan niya at mag-on na sila. Crush ko siya noon pang bago siya manligaw sa friend ko.
Nagtapat ako sa kaibigan ko na crush ko noon pa ang boyfriend niya pero mula noon ay hindi na niya ako kinausap. Galit yata siya sa akin.
Nasaktan ako dahil mula elementary ay mag-best friend na kami.
Hindi nagtagal ang relasyon nila at nag-break din sila. Pero nagtataka ako kung bakit ako ang inaaway ng kaibigan ko. Mahal ko ang friend ko pero ayaw niyang makinig sa akin.
Pagpayuhan po ninyo ako.
Liz
Dear Liz,
Nagkakatampuhan lang kayong magkaibigan. Lilipas din iyan. Wala kang dapat ika-guilty dahil hindi ka naman nang-agaw ng kasintahan.
Naniniwala akong magkakasundo rin kayo pagdating ng araw. Madalas na nangyayariang ganyang pagkakatampuhan sa mga kabataan na gaya mo. Tama ang sabi ng mama mo. Huwag seryoso.
Natural lang kahit sa kabataang katulad mo na humanga sa lalaki lalo na kung good looking. Pero tandaan mo na ang paghanga ay hindi pag-ibig. Malaki ang pagkakaiba ng mga iyan.
Tungkol sa kaibigan mo, kahit galit siya sa iyo ay magpakita ka na loves mo pa rin siya.
Dr. Love