Dear Dr. Love,
Bumabati ako sa iyo ng isang pinagpalang araw at sana ay abutan ka ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan.
Tawagin mo na lang akong Hilda, 32-anyos at isang biyudang may tatlong anak.
May boyfriend ako ngayon. Tawagin mo na lang siyang Ben. Isa siyang kahero sa isang restaurant. Binata siya at 27-anyos. Bata siya ng limang taon sa akin.
Dahil sa ganyang katayuan, madalas akong mag-isip kung mahal kaya niya ako o ginagawa lang niyang parausan?
Hindi mo naitatanong, ang negosyo ko ay pagpapautang at malaki ang kinikita ko. Lahat ng pangangailangan ni Ben ay ibinibigay ko dahil maliit lang ang kanyang kinikita at may sakit pa ang kanyang ina.
Mahal kaya niya ako, Dr. Love? Dapat ko bang ituloy ang aking relasyon sa kanya?
Hilda
Dear Hilda,
Ikaw ang makasasagot niyan kung gagawa ka ng evaluation sa iyong sarili. Binata siya samantalang ikaw ay biyudang tatlo ang anak.
Tapos tinutustusan mo siya. Hindi ba maÂkaÂgagawa ka ng conclusion na kaya siya pumapatol sa iyo ay dahil nagagawa mong ibigay ang mga pangangailangan niya? Para sa akin, klarung-klaro na ginagawa kang palaÂÂbigasan o sugar mommy.
Baka ang pinaghahari mo sa sarili mo ay ang iyong nararamdaman, puwede bang gaÂmitin mo naman ang iyong isip?
Kung ‘yung tinutustos mo kay Ben ay iimpukin mo para sa future ng tatlong anak mo, mabibigyan mo sila ng mabuting kinabukasan. Sino ba ang mahalaga sa iyo, ang mga anak mo ba o ang pita ng iyong katawan?
Dr. Love