Dear Dr. Love,
Ako po ay isang 62-anyos na balo, ang piÂnagÂkakaabalahan ko ay ang pagga-gardening at pag-aalaga ng aking tatlong apo, hindi ko po akalain na darating pa sa akin ang muling ma-excite dahil sa pag-ibig.
Bata ng 15 taon sa akin si Manuel, isang binata na bagong lipat sa aming lugar. May-ari siya ng junkshop kung saan ako minsang nakapagbenta ng mga plastic na bote, lumang mga karton at dyaryo, kaya kami nagkakilala.
Nakatawag pansin sa akin ang maganda niyang disposisyon sa buhay. Masipag at masayahin tulad ng mga katangian ng nasira kong esposo.
Hindi pa raw ako mukhang lola dahil walang puting buhok, petite at batang-bata pa ang kutis. Sa pagkukwentuhang iyon ay inalok niya akong makisosyo sa kanyang livelihood para makaÂpaglibang aniya at may pagkakitaan kahit nasa bahay.
Tinutulan ito ng aking panganay na anak dahil hindi ko raw kilala ng lubos si Manny at maaring ang puntirya lang nito ay ang tubo sa maipupuhunan ng gaya kong walang muwang sa negosyo.
Nang ipagtapat ko naman sa best friend kong si Issa ang pagpapalipad hangin ni Manny, pinayuhan naman niya akong manahimik, huwag ko raw guluhin ang buhay ko sa relasyong walang kahihinatnan. Dahil bihira na ang ikalawang glorya sa gurang na katulad ko.
Pagpayuhan po ninyo ako kung alangan nga kayang umibig muli ang isang katulad ko, lalo na sa mas bata sa akin?
Gumagalang,
Aling Doring
Dear Aling Doring,
Totoong madalas ay nagiging “sugar mommy†ang mga may edad na may karelasyong mas bata, pero sa pagkakaroon ng interes sa iyo ng bagong kapitbahay ay baka mas malala pa ang kahinatnan mo kung kakagat ka sa magaganda niyang salita.
Hindi naman masama ang umibig, naniniÂwala akong wala ‘to sa edad pero mahalagang hindi lang puso kundi maging ang isip ay maÂgamit natin sa pagpasok sa pakikipagrelasyon. To be safe, kilalanin mo muna nang husto ang kapitbahay mo at huwag kang padala sa pang-uuto niya sa iyo.
DR. LOVE