Imbiyerna sa mother in-law

Dear Dr. Love,

Kahit pa sikapin ko na hindi maimbiyerna ay hindi ko po magawa dahil sa panghihimasok ng aking mother in-law sa buhay naming mag-asawa. Kahit pa sa mga bagay na kaming mag-asawa ang siyang dapat na magdesisyon ay nagpipilit siyang dapat masunod sa magiging pangalan ng ipinagbubuntis kong panganay namin at kahit sa mga gamit ng baby, gusto niyang siya rin ang masunod.

Talagang pinagsisisihan ko po ng sobra kung bakit pa ako pumayag sa alok na tumira muna sa bahay ng aking mother in-law habang pinapagawa pa ang aming bahay na malapit lang din sa kanila.

Malaki po ang nagastos namin ni Mario sa aming kasal kaya nagsisikap kaming maka­bawi-bawi man lang. Pero lalo kaming gumastos sa poder ng aking mother in-law. Dahil ang napagkasunduan naming 5,000 na ambag sa aming pagtira ay kulang daw. Gusto niyang kami ang magpaaral sa bunsong kapatid ni Mario. Okey lang po ‘yun dahil dalawa naman kaming nagtatrabaho na mag-asawa.

Pero hindi pa doon nagtatapos dahil gusto niyang paglaanan din namin ang linggu-linggo niyang pagma-mahjong at nang makahilig ang pamamasyal sa abroad ay sa amin din ipinasasagot, maging ang paghulog sa binili niyang bagong kotse. Talagang maloloko na ako sa mother in-law ko, Dr. Love.  Hindi ko po masabi ang nangyayaring ito sa aking asawa. Hanggang malaman niyang ubos na ang savings namin, no choice na ako kundi magtapat.

Nagpasya kaming bumukod na. Gaya ng inaasahan, minasama ito ng nanay ni Mario at ipinagkakalat na wala kaming utang na loob. Nagbibigay pa rin po kami hanggang sa ngayon ng pang-tuition ng aking bayaw.

Obligasyon po ba talaga namin na tumugon sa hinihinging buwanang halaga ng aking mother­ in-law, Dr. Love? Pinaghahandaan namin ang panganganak ko. Pagpayuhan po ninyo ako, salamat.

Gumagalang,

Carla

Dear Carla,

Ang pagtulong ay kusang-pagkilos, hindi puwersahan. Ito ay laging ayon sa kapasidad ng tutulong. 

Huwag mong hayaang ma-stress ka ng sit­was­­yon, maayos din ang tungkol doon.

 DR. LOVE    

    

Show comments