‘Love child’
Dear Dr. Love,
Tawagin n’yo na lang po akong Gerard. Ako po ay 16 taong gulang at kasalukuyang nasa huling baitang ng mataas na paaralang pribado.
Nakatira ako ngayon sa pangangalaga ng aking grandparents at ang aking ina ay kasalukuyang nasa abroad bilang isang medical doctor. Inaantabayanan ko na lang ang approval ng aking petition para ganap na magkasama na kami ng aking mommy.
Lumaki akong walang daddy. Sa kabila nito, hindi naman naging abnormal ang buhay ko dahil tumayong gabay ko ang aking lolo at isang uncle na kapatid ng aking ina. Naroon din ang aking lola na alalay sa aking pag-aaral lalo na nang naging busy na ang aking mommy sa kanyang pagdodoktor.
Hindi po nila inilihim na ako ay isang “love child.†Nasa 18-anyos ang aking mommy nang main-love sa pamilyado pa lang lalaki. Hindi ko kilala ang aking ama at sabi ni mommy sa tamang panahon ay sasabihin niya sa akin kung sino ang daddy ko at bahala raw ako kung gusto kong magpakilala sa kanya.
Bagaman pinalaki ako ng aking ina at paÂmilya niya na isang independenteng bata, dumarating din sa akin ang pagkakataong nanguÂngulila sa pagmamahal ng isang ama. Normal lang po ba ito? Gusto ko po tuklasin kung sino siya. Payuhan po ninyo ako. Ayaw ko po magulo ang isip ng mommy ko kung ipapaalam ko sa kanya ang aking balak na adventure para hanapin ang aking biological father. Tama lang po ba ang gagawin ko?
Maraming salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa liham kong ito.
Gumagalang,
Gilbert
Dear Gilbert,
Hindi talagang maiaalis sa isang anak na tukÂlasin ang kanyang pinagmulan at makilala ang kanyang ama.
Pero bilang isang mabuting anak, na alam ko namang isang magandang katangian mo, sundin mo ang iyong ina. Hintayin mo ang tamang panahon, natityak ko na may maganda siyang dahilan tungkol dito.
Sa sandaling mainip ka, isipin mo lang kung gaano ang paghihirap ng iyong mommy para balikatin ng solo ang pagtataguyod sa iyo. Kaya sikapin mo na matumbasan ito ng pagpapaÂÂhaÂlaga sa kanya at pagsiguro na maalagaan ang kanyang kalooban.
DR. LOVE
- Latest