Dear Dr. Love,
Umaasa po ako na wala kayong karamdaman at nasa rurok ng kalusugan sa sandaling tanggapin ang sulat kong ito.
Itago n’yo na lang ako sa pangalan, Elias, 31-anyos. Binata pa po ako hanggang ngaÂyon dahil nang makatapos ako ng kursong commerce may sampung taon na ang nakalilipas, ako na ang nagtaguyod sa pag-aaral ng aking mga bunsong kapatid. Dalawa sila.
Namatay kasi kapwa sa isang aksidente ang aming mga magulang at naipangako ko sa kanila na ako ang sasagot sa pag-aaral ng aking mga kapatid na pareho nang naka-graduate.
Mayroon po akong kasintahan ngayon. Ang edad niya ay 21 at mahal na mahal ko. Hindi ko siya maunawaan dahil ayaw niyang makasal kami.
Tumatanda na rin ako at nais ko nang bumuo ng pamilya. Sabi niya ay katulad din niya akong tumutulong sa kanyang mga kapatid dahil mahirap lang ang mga magulang niya.
Takot po akong mapaglipasan ng panahon. Dapat na po ba akong humanap ng kapalit niya?
Elias
Dear Elias,
Ikaw lamang ang makakapagpasya niyanÂ. Sabi mo mahal na mahal mo siya. Ang alam kong pagmamahal ay handang magtiis alangÂ-alang sa iniibig.
Pero kung talagang determinado ka nang magkapamilya, nasa sa iyo ang desisyon. Pero pag-usapan muna ninyong mabuti.
Siguro kung magpapakasal kayo at hindi mo siya pipigilan sa pagtulong sa mga kapatid ay baka mapapayag mo siya.
Gawin mo muna ang lahat ng posibleng hakbang bago ka gumawa ng desisyon.
Dr. Love