^

Dr. Love

Isyung sweldo sa pag-aasawa?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Engaged to be married na kami ni Raul. Kampante na sana ako na wala nang iba pang problemang makakahadlang sa aming relasyon. Pero biglang-bigla nag-iba ang tono ng pananalita niya kapag tinatanong kung kailan kami magmamartsa sa altar.

Dr. Love, hindi ko po maintindihan kung bakit big­lang naging isyu ang tungkol sa mas ma­laking sinusweldo ko kumpara sa kanya. Kaya sa sanda­ling makuha na niya ang inaambisyong promotion na magtataas din sa kanyang buwanang sahod ay makakapagpakasal na kami.

Hindi naman po ang sweldo niya o kahit pa ang pagiging sikat niyang television reporter ang tiningnan ko nang tanggapin ko ang kanyang pag-ibig, kundi ang katapat ng puso niya at nakakatiyak akong mahal niya ako.

Isa pa, ang tanging alam ko, kapag pinag­sama na ang pareho naming kinikita ay makakakuha na kami ng bahay at lupa na pwede naming tirhan na dalawa.

Boto po sa kanya ang mga magulang ko dahil nakikita nila ang pagmamahal niya sa akin at isa siyang responsableng lalaki. Pero bakit po kaya madalas na niyang sabihin na insecure siya sa akin dahil maliit ang sweldo niya para ma­ging head of the family? Baka raw ito ang maging dahilan para maging under de saya siya. Ayaw raw niyang makarinig na naging liyamado siya sa akin.

Nadaragdagan na rin po ang dahilan niya na kilala ang aming pamilya at baka raw mapag­bintangan siya na gagamitin ko ito para umasenso. Sa palagay n’yo po ba, palatandaan na ito na gusto na akong urungan ni Raul? Ang isyu po ba na sahod ay isang malaking hadlang sa pagkakasundo ng magiging mag-asawa?

Maraming salamat po at sana sa darating na taon, makuha na niya ang promosyong dinadasal niya at kasama na ako roon.

Gumagalang,

Shirley

Dear Shirley,

Sa palagay ko nga’y insecure sa iyo ang boyfriend mo. Habang maaga pa ay tulungan mong maibalik ang seguridad ng inyong relas­yon sa kanya. Nasa magandang pag-uusap ‘yan, kalakip ng consistency na maipakita mo sa kanya na wala siyang dapat pangambahan. Li­nawin mo rin sa kanya ang iniisip mo sa kanyang pagbabago para pareho kayong maliwanagan.

DR. LOVE

 

vuukle comment

AYAW

BOTO

DEAR SHIRLEY

DR. LOVE

NIYA

PERO

RAUL

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with