Dear Dr. Love,
Sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit 30 taon na buhay may asawa, ngayong taon lang hindi ko gugugulin ang pagdiriwang ng Pasko sa piling ng aking maybahay. KapaÂpanaw lang ni Lorraine apat na buwan lang ang nakalilipas.
Lumiham po ako sa inyo Dr. Love, hindi para ilahad ang aking sad story kundi para itanong kung hindi lalabas na pangit ang aking asal kapag tinanggihan ko lahat ng paanyaya ng mga kamag-anak namin na mag-noche Buena sa kani-kanilang bahay, na dati ay sa aming tahanan ginagawa.
Mistulang nagrerebelde po ang aking kaÂlooban, na huwag na lang ipagdiwang ang Pasko, maging ang Bagong Taon kasama ang sino man. Gusto ko po ay ako na lang mag-isa ang sasalubong sa kapanganakan ni Hesus at idadalangin ko na sana ay kunin na rin Niya ako para magkapiling na kami ng aking asawa sa langit.
Alam ko po na hindi dapat ganito ang takbo ng aking isip, patawarin nawa ako ng Diyos.
Payuhan mo po ako Dr. Love kung paano ko uli matatanggap na magsaya sa mga espesÂyal na okasyon ngayong wala na ang pinakamamahal kong kabiyak?
Isa pong maagang pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.
Gumagalang,
Abelardo
Dear Mang Abelardo,
Kung mahal mo ang iyong maybahay, hindi mo dapat sirain ang nasimulan niyang tradisyon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa inyong tahanan kasama ang inyong mga mahal sa buhay.
Sa palagay ko, hindi natin dapat kuwestiyunin ang kapalarang itinadhana ng PangiÂnoon para sa maybahay mo at maging sa kanino man. Tanging Diyos lang ang nakakaÂalam kung kailan niya tayo tatawagin mula sa mundo. Sikapin mo na maging normal ang iyong buhay kahit wala na ang iyong asawa. Dahil natitiyak ko na hindi niya gugustuhin na makita kang malungkot, lalo na sa okasyong mahalaga para sa kanya.
Merry Christmas and Happy New Year.
DR. LOVE