Dear Dr. Love,
Wala po akong ibang hinahangad sa ngayon kundi ang makatagpo na nang mapapangasawa ang aking nag-iisang anak, para maranasan ko nang magkaapo bago pa man pumikit ang aking mga mata.
Pero nagkakaroon po ako ng paÂngamba dahil parang hindi siniseryoso ng aking anak na si Ryan ang tungkol dito. Bagaman ilang babae na ang ipinakilala niya sa akin, kung saan nagustuhan ko si Didith, na simple, maganda, matalino at mapagmahal sa mga magulang…na-shock naman ako dahil bigla na lang silang nagkahiwalay.
Hindi po ako nakatiis kaya nagtanung-tanong ako, nalaman ko sa kinakapatid ng aking anak na sinamantala ng paÂmilya ni Didith ang kabaitan ng aking anak. Naging tagahatid-sundo siya at inobliga pa na magbigay ng 1 kabang bigas kada buwan. Kalaunan ay kinumpirma din ito ni Ryan.
Sa nangyari, na-realize ko na hindi pala dapat maging malaki ang takot ko na tuÂmandang binata ang aking anak. Dahil piÂnakikinggan din pala niya ang mga sinaÂÂsabi ko sa paghahanap ng mapapaÂngasawa.
Salamat sa pagbibigay mo ng panahon sa liham ko, Dr. Love.
Gumagalang,
Mrs. Estelita Santos
Dear Mrs. Santos,
Normal lang ang iyong naging paÂngamba para sa anak. Pero mas mahaÂlaga na matutunan nating magtiwala sa kanila at laging ibigay ang suporta para mas maging kampante sila sa kanilang mga magiging desisyon. Advance Merry Christmas sa inyo!
DR. LOVE