Mas pabor sa bunso?
Dear Dr. Love,
Lubha po akong nagtataka kung bakit ang aking may edad nang mga magulang ay hindi ko mapapayag na magbakasyon sa amin sa America kahit ilang buwan lang kundi man isang taon. Maraming dahilan si Inay at lalo na si Itay na noon pa man ay nagpakatanggi-tanggi para sila ay ipetisyon ko.
Kapwa retirado na sila kaya wala nang maÂimamatuwid na mayroon pa silang mapapabaÂyaang trabaho.
Naaawa rin ako sa aming bunsong kapatid na hindi nakatapos dahil maagang nag-asawa. Nauwi sa paghihiwalay ang kanilang pag-aasawa dahil batugan ang bayaw ko at umaasa lang ng tulong sa mga magulang ko, palibhasa’y pinaÂtira sa bahay nila.
Kahit hindi tapos ng kolehiyo ang kapatid kong bunso, nakahanap siya ng trabaho. Siya na lang ang inasahan ng bayaw ko sa arawang pangangailangan ng kanilang dalawang anak.
Sinisisi ko ang nanay at tatay ko sa kanilang ginawang pag-iimbita sa mag-asawa na makitira na lang kasama nila. Dahil hindi kako matututo ang mga ‘yun na tumayo sa sarili nilang mga paa at masasanay na lang umasa sa kanila.
Konti lang ang kanilang pensiyon, kulang pang pambili ng gamot kaya’t ang pambayad sa buwanang bills ay malimit na kinakapos at ako na lang ang nagkukusang magpadala ng buÂÂwanang tulong. Malimit, nagpapadagdag si Inay kapag nao-ospital siya dulot ng pagtaas ng blood pressure. Sa nagiging sitwasyon sa pagitan namin ng aking kapatid, naiisip ko tuloy na mas mahal nila ang bunso.
Ayaw nilang sumama sa akin sa America dahil ang gusto pala ng mga magulang ko ay ako ang lumipat ng tirahan, paano naman po ang asawa ko at ang aming mga anak na hindi sanay sa takbo ng buhay sa Pilipinas?
Maraming salamat po sa pagbibigay pansin ninyo sa liham ko.
Gumagalang,
Annie
Dear Annie,
Naniniwala ako na walang hindi madadaan sa mabuting usapan. Siguro konting timing sa pakikipag-usapan sa iyong mga magulang. IpaÂliwanag ang punto mo. Tanggalin mo rin sa isip mo na mas may mahal sa inyong magkapatid ang mga magulang ninyo. Sa halip ay ipagpaÂsalamat mo na kahit hindi naging matagumpay ang kapatid mo sa buhay, pinagpapala pa rin siya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maunawaing mga magulang at mabait na kapatid na gaya mo.
Dr. Love
- Latest