Dear Dr. Love,
Sumulat ako sa iyo upang isangguni kung may kasalanan ba ako o kamalian na umibig sa isang 21-anyos na binata gayung ako ay isang matandang dalagang 43-anyos na?
Tawagin mo na lang akong Virgie, isang public school teacher na nagpakatandang dalaga dahil sa aking bokasyong pagtuturo. Masyado kong mahal ang aking propesyon at nasubsob ako sa trabaho ko kahit hindi malaki ang suweldo.
May mangilan-ngilan akong naging boyfriends noon pero hindi sila nagtagal dahil wala halos akong panahon sa kanila dahil ang inaÂatupag ko ay ang aking pagtuturo.
Kahit matanda na ako, napanatili ko ang aking batang anyo at kagandahan hanggang sa makilala ko si Anjo, isang medical representative. Palabiro siya at nakapalagayan ko ng loob. Una’y parang kapatid ang turing ko sa kanya pero nang manligaw siya sa akin, tuluyan nang nahulog sa kanya ang puso ko.
Marami sa aking co-teachers at kaibigan na nagsasabing alangan kami. Baka raw mag sisi ako. Ano sa palagay mo, Dr. Love? Tama ba ang desisyon kong makipagrelasyon sa isang nakababata?
Virgie
Dear Virgie,
Kapag mas bata ang lalaki sa babae, palaging nagkakaroon ng isyu. Mukhang hindi pa ready ang mga Pilipino sa ganitong situwasyon dahil hindi tugma sa ating kultura.
Pero legally and morally, basta’t pareho kaÂyong single ay wala akong nakikitang maÂsama. Kung inaakala mong magiging mabuti siyang partner, go for it.
Handa ka ba niyang pakasalan? Iyan ang bagay na dapat mong alamin. Sa edad mong 43, naniniwala akong may likas ka nang talino para malaman kung tama o mali ang desisyon mo.
Dr. Love