^

Dr. Love

May madilim na kahapon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi, hello and a pleasant day. Matagal na po akong suki ng Dr. Love column at naisipan kong isangguni sa inyo ang aking problema sa pag-ibig.

Kung puwede po ay pakikubli n’yo na lang ako sa pangalang, Mirah.  Ang edad ko ay 26 anyos na pero hindi pa nagkaka-boyfriend. Hindi naman nangangahulugan na walang nanliligaw sa akin dahil marami po ang nanliligaw.

May nagustuhan na rin ako sa kanila pero ayaw kong sagutin ang sino man sa mga nagustuhan ko dahil sa isang madilim na nakaraan.

Isa po akong rape victim. Nasa 14-anyos pa lang ako ay naging biktima na ako ng isang manyakis na rapist na hanggang ngayo’y hindi­ mabura sa isip ko.

Natatakot po ako na baka kung malaman ng magiging boyfriend ko ang aking kahapon ay talikuran ako.

Ano po ang dapat kong gawin?

Mirah

Dear Mirah,

Ang nakaraan ay isang saradong kaba­nata pero ang buhay mo ay dapat magpa­tuloy. Huwag­ mong hayaan na dahil sa isang mapait na karanasan ay titigil na sa pag-ikot ang mundo­ mo.

Kung may nagugustuhan kang manliligaw, makabubuting magtapat ka sa kanya. Hindi mo kasalanan ang nangyari sa iyo at hindi mo ito dapat pagdusahan.

Naniniwala ako na kung mahal ka ng isang lalaki, balewala sa kanya ano man ang naging karanasan mo.

Maganda ang umibig at ibigin. Huwag mo itong ipagkait sa iyong sarili dahil lang sa isang mapait na kahapon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR MIRAH

DR. LOVE

HUWAG

ISA

ISANG

MAGANDA

MIRAH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with