May pusong mamon
Dear Dr. Love,
Hindi ko inaasahan ang tawag na tinanggap sa aking nanay, hinihingan niya ako ng tulong para sa kanyang tindahan na malapit nang mabangkarote.
Bunso ako sa aming magkakapatid at natuÂringang palahingi. Malinaw rin sa akin na hindi maiisahan pagdating sa pera si nanay.
Nang makarating kaming mag-asawa sa puwesto ni nanay sa mataong lugar ng Quezon City, mangilan-ngilan na lang nga ang mga paninda niya. Mayung-malayo noong buksan noon ang kanyang tindahan.
Ang nangyari, nauwi sa pautang ang kanyang pampuhunan. Ipinakita niya sa akin ang mahabang listahan at ni-wala pa sa kalahati ang kanyang nasisingil sa pinalabas niyang pera.
Ang masaklap nito, karamihan sa mga pinaÂutang niya ay mga amiga niya at kalaro sa tong-its, na hindi na ipinalilista dahil, babayaran naman daw agad hanggang sa magkalimutan na. Kapag sisingilin na ay galit pa habang ang iba ay ayaw akuhin ang inutang dahil nabayaran na raw.
Isang bagay ang natuklasan ko, Dr. Love…may pusong mammon pala ang nanay ko sa mga ina na umiiyak sa kanya dahil walang maÂisaing para sa mga anak. Ang pagkakakilala ko kasi sa kanya ay mataray. Kaya nga disiplinado kaming magkakapatid.
Ngayong ako ang nakatao sa tindahan, hindi na nagsisipaglabasan ang mga taong may utang kay nanay, hindi na sila makapangutang dahil wala nang madadala sa kanilang sad story.
Isa-isa kong pinuntahan ang mga nasa mahabang listahan ng utang sa tindahan. Ang nais ko pong ihingi ng payo, dapat ko na bang patigilin sa pagtitinda ang nanay ko? Ayaw ko pong may mangyaring masama sa aking ina dahil sa ugaling mayroon ang mga pinakikisamahan niyang tao.
Maraming salamat po at mabuhay ang column ninyo.
Gumagalang,
Anthony
Dear Anthony,
Pinakamabuti na hikayatin mo ang iba pang kapatid para kausapin ang inyong ina. Daanin ninyong magkakapatid sa paglalamÂbing ang pakikiusap. At sabihin mo sa kanya ang iyong pag-aalala dahil sa mga taong nasa paligid niya. Sikapin mo o ninyong magkakaÂpatid na sa bawat paliwanag ay maiparamdam ninyo ang pagmamahal sa inyong ina. Natitiyak ko na walang ina na hindi lalambot sa pakiusap ng nagmamahal sa kanya na mga anak.
Dr. Love
- Latest