^

Dr. Love

Dapat bang seryosohin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Cheers to my favorite love counselor. Hoping na nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng liham ko.

Tawagin mo na lang akong Jane, 25-anyos at isang receptionist sa isang hotel. Nagtapos ako ng Hotel Restaurant and Management at  magdadalawang taon na ako sa pinapasukan ko.

Let me be direct and to the point.  May isang Belgian na nanliligaw sa akin. Sabi niya bachelor siya bagama’t sa tingin ko’y nasa 50 years old na siya. Tatlong araw siyang nag-check-in sa pinaglilingkuran kong hotel.

Hanggang makabalik siya sa Belgium, palagi siyang sumusulat sa akin via email at ipi-petition daw niya ako bilang kanyang fiancé. Hindi ko pa siya sinasagot pero ganun siya kapursigido.

Kung minsa’y nangangarap din akong makapag-abroad at makapag-asawa ng foreigner pero hindi ko lubos na kakilala ang lalaking ito. Dapat ko ba siyang seryosohin?

Jane

Dear Jane,

Ang masasabi ko’y kung nagdududa ka sa pagkatao niya, huwag na lang. Maliban na lang kung makagagawa ka ng background check tungkol sa kanyang pagkatao at mapatunayang single siya at hindi ka lolokohin.

Pero paano mo magagawa iyan? Mahirap.  So, if you are in doubt and cannot make any background check, kalimutan mo na lang kaysa magbakasakali ka at mapahamak.

Dr. Love

 

DAPAT

DEAR JANE

DR. LOVE

HANGGANG

HOTEL RESTAURANT AND MANAGEMENT

MAHIRAP

MALIBAN

NAGTAPOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with