Dear Dr. Love,
I open my letter with a sweet greetings of a blessed day to you and your numerous readers.
Tawagin mo na lang akong Tommy, 24- anyos. Third year high school lang po ang natapos ko pero hilig ko po ang pagsusulat at nakakasulat din ako sa Ingles. Sa pamamagitan man lang ng magaganda kong love letters ay umaasa akong mapupusuan ako ng aking nililigawan.
Isa po akong janitor sa isang kompanya at nagkagusto ako sa secretary ng aming boss. Tawagin mo na lang siyang Cristy. MaÂbait at maganda siya at lagi akong binaÂbati.
Dahil sa nadarama kong pag-ibig sa kanya ay sinulatan ko siya sa English at nang maÂbasa niya at makita, niyaya niya akong kumain sa canteen.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Gusto lang daw niya ako bilang kaibigan at sana’y huwag ko na siyang ligawan.
Masyado akong nasaktan sa sinabi niya. Gusto kong mag-resign para hindi ko na siya makita pa. Tama ba ang gagawin ko?
Tommy
Dear Tommy,
Puwede iyang sinasabi mong magre-resign ka kung may naghihintay na ibang trabaho para sa iyo. Huwag kang padalus-dalos.
Isa pa, ganyan talaga sa pag-ibig. Kung minÂsa’y nabibigo at minsan nama’y nagtataÂgumpay. Hindi naman dapat manlupaypay na tila tumigil na ang mundo sa pag-ikot dahil na-basted ka.
I’m sure may iba ka pang makikita na iibigin mo at iibig din sa iyo. At bago ka mag-resign, maghanap-hanap ka muna ng ibang mapapasukan at mahirap ‘yung tumutuÂngaÂnga at nagbibilang ng poste.
Dr. Love