Biglang nanlamig

Dear Dr. Love,

Isang magandang araw sa inyo kasama ang inyong masusugid na tagasubaybay at staff.

Katulad ng ibang sumusulat sa inyo, mayroon din po akong ibig ikonsultang problema sa pag-ibig. Ako nga pala si Betsy, 20-anyos at isang call center agent.

Mayroon po akong naging boyfriend. Ta­wagin mo na lang siyang Ernie. Naging pa­dalus-dalos ako sa aking desisyon at naibigay ko ang virginity ko sa kanya.

Ngayon, napansin kong nanlalamig na siya sa akin. Natatakot po akong mawala siya sa akin dahil mahal ko siya. Ano ang dapat kong gawin? Tulungan mo sana ako.

Betsy

Dear Betsy,

Kung bigla siyang nanlamig at tuluyan kang hiwalayan, wala tayong magagawa iha. Hindi kita sisisihin pero nangyari na ang hindi dapat.

Madalas akong nakatatanggap ng mga problemang kagaya ng sa iyo at ang naibubulalas ko sa aking sarili kasabay ng malalim na buntunghininga ay “ang mga kabataan nga naman.”

Magsilbing aral sana ang kasaysayan mo, hindi lang sa iyo kung hindi sa ibang madaling isuko ang sarili dahil sa “pag-ibig.”

Ang virginity ay dapat pakaingatan dahil iyan ang nagbibigay ng value sa isang babae. Isinusuko lamang iyan sa gabi ng kasal. Tawagin mo man akong sobrang konser­ba­tibo, ganyan talaga ako. Hindi ako pabor sa pre-marital.

Dr. Love

Show comments