^

Dr. Love

Mas matimbang ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hiwalay ako sa asawa nang magkagusto ako kay Elvira, isang balo na mayroon ding anak tulad ko.

Dalawa ang anak ko habang tatlo naman ang kay Elvira. Desidido na sana akong ituloy ang pakikipagrelasyon sa kanya nang umiksena ang aking dalawang anak. Dahil nangungulila na sila sa kanilang ina.

Nagkasundo kami ng aking misis na magkanya-kanya ng buhay dahil una, sobra siyang maluho at hindi ko matugunan ang estilo ng buhay na nakagisnan niya sa mga magulang. Pangalawa, nais niyang sa America na kami manirahan dahil nandoon ang kanyang mga magulang. At pangatlo, mas prayoridad niya ang mga sosyalan kaysa­  kasama niya kaming mag-aama sa bahay kung weekend at walang trabaho sa opisina.

Taliwas sa ugali ng aking misis, si Elvira na isang babaeng simple, bagaman siya ay maganda. Ang kahinaan lang ni Elvira, wala siyang masyadong muwang sa hanap-buhay dahil nahirati naman siya na ang asawa lang ang bumubuhay sa pamilya.

Nasa isang multinational drug company­ ako at medyo malaki rin ang kita kaya nagam­­panan ko ang pagtulong kay Elvira at sa mga anak niyang nag-aaral.

Matagal kong pinag-isipan ang pakiusap ng aking mga anak, Dr. Love. Mahal ko man si Elvira, mahal ko rin ang mga anak ko. Tumagal­ pa ng tatlong taon ang ganitong sitwasyon hang­gang nagkaroon ako ng mild heart attack.

Naging daan ito para magbalik ang aking­ asawa, siya ang nag-alaga sa akin sa ospital. Dito rin siya humingi ng tawad sa akin. Na-realize raw niyang hindi ganap ang kaliga­yahan niya kung magkalayo kami.

Naipagtapat ko na ang lahat kay Elvira at itinaboy niya ako. Dahil pinaglaruan ko lang daw ang pag-ibig niya. Naawa ako sa kanya pero mas matimbang ang aking mga anak.

Gumagalang,

Vic

Dear Vic,

You can never have both world, totoo ‘yun. Malinaw na natuto na ang iyong asawa­, sana ay nalaman mo rin kung sino ang talunan­ sa wasak na relasyon ng mag-asawa. Hangad ng pitak na ito ang ganap mong paggaling at tuluy-tuloy na kaligayahan para sa inyong pamilya.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKING

ANAK

DAHIL

DEAR VIC

DR. LOVE

ELVIRA

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with