Crying Heart

Dear Dr. Love,

Kumusta ka Dr. Love? Sana’y masaya ka at walang problema sa pagtunghay mo ng sulat ko.

Hinihiling ko sana sa iyo na huwag mo nang ilathala ang tunay at buo kong pangalan. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Crying Heart, isang single mother mula nang iwanan ako ng asawa ko may dalawang taon na ang nakakaraan.

Opo, hiniwalayan ako ng mahal kong asawa­ at ipinaubaya sa akin ang pag-aalaga sa aming dalawang anak.

Sa ngayon ay may dalawang masugid akong manliligaw sa aking pagtatrabaho bilang call center agent. Aaminin kong natutukso akong makipagrelasyon. Hindi dahil sa pag-ibig kundi kailangan ko ng sapat na pananalapi sa pagtataguyod ng dalawa kong anak na naiiwan lang sa isang yaya kapag pumapasok ako.

Pareho silang hindi pa nag-aaral pero sa papasok na taon ay kailangang mag-aral na ang isa.

Masama ba Dr. Love na kumuha ako ng ma­­ka­ katuwang sa aking buhay alang-alang sa aking mga anak?

Crying Heart

Dear Crying Heart,

Gaya ng madalas kong sabihin sa mga taong­ katulad mo ang problema, ang romantic relations ay hindi dapat pasukin kung may motibo kang iba at wala namang tunay na pag-ibig.

Isa pa, kasal ka sa iyong asawa at walang nangyaring annulment kaya sa ilalim ng batas, magiging illegal ang papasukin mong re­lasyon.

Marami kang hindi nasabi tungkol sa asawa mong humiwalay sa iyo. Pero para sa akin, dapat kang gumawa ng paraan para magkaroon kayo ng reconciliation ng iyong asawa. Kung hindi puwede, pananagutan niyang tustusan ang dalawa niyang anak sa iyo.

Puwede kang mag-demand sa korte para mapilitan siyang gampanan ang kanyang ina­­ ban­­donang pananagutan. Sa aspetong iyan, kaila­ngan mo ng isang abogado.

Dr. Love

Show comments