^

Dr. Love

14-anyos in-love sa teacher

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Paul. I am 14 years old at fourth year student sa high school.

Dr. Love, bad po ba na ma-in love sa teacher? Iyan po kasi ang nararamdaman ko para sa aking Science teacher na si Ms. Lerma.

Ang ganda-ganda niya at mabait. Minsan ko na siyang pinadalhan ng love letter. Akala ko magagalit siya pero after class, pinaiwan niya ako at kinausap ng sarilinan.

Sabi niya, infatuation lang ang nararamdaman ko dahil napakabata ko pa raw para malaman ang meaning ng true love. Sabi niya, huwag ko munang isipin ang love at mag-seryoso ako sa pag-aaral.

Pero hindi siya mawala sa isip ko. Kahit sa aking pag-iisa, siya ang laman ng isip ko. Paano ko siya makakalimutan kung araw-araw ko siyang nakikita?

Paul

Dear Paul,

Tama ang teacher mo. Infatuation o paghanga lang iyan. Natural na nararamdaman iyan ng mga nagbibinata at nagdadalaga.

Hindi ka pa naman talagang binata kundi binatilyo pa lang at marami ka pang dapat matutuhan sa buhay.

Siguradong malaki ang agwat ninyo sa edad ng teacher mo. Pag-halimbawa na nating naging misis mo siya, sa una ay bagay kayo pero sa paglipas ng panahon at nangungulubot na ang balat niya, baka mapagkamalan siyang nanay mo.

Kaya pag-aaral muna ang asikasuhin mo dahil sayang ang maaaksayang panahon kung hindi ka magko-concentrate sa pag-aaral.

Dr. Love

DEAR PAUL

DR. LOVE

IYAN

KAHIT

KAYA

LOVE

MINSAN

MS. LERMA

SABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with