Kulang sa pangaral
Dear Dr. Love,
Dalangin ko na sa pagdating sa palad mo ng aking sulat ay nasa mabuti kang kalagayan.
Tawagin mo na lang akong Sion, 52-anyos at namumroblema sa aking anak na dalaga na masyadong liberated. Siya ay 22-anyos na.
Sa pagkakaalam ko ay marami siyang boyfriend at madalas ay inuumaga siya ng pag-uwi. Nagtatrabaho siya bilang saleslady at kung pera ang pag-uusapan ay sagana siya.
Nag-iisa ko siyang anak, sa asawa kong naÂmatay nung isang taon.
Nagtataka ako kung saan nagmumula ang pera niya. Siya ang nakapagpundar ng lahat ng mga appliance namin sa bahay.
Natatakot ako na baka ipinagbibili niya ang kanyang sarili. Minsang nag-usisa ako ay siya pa ang nagalit.
Ano ang nararapat kong gawin?
Sion
Dear Sion,
Sa palagay ko’y nasa wastong gulang na ang anak mo pero hindi nangangahulugan na malaya na siyang makapagpapasya sa kanyang sarili dahil siya ay nasa poder mo pa.
Magalit man siya sa iyo, katungkulan mong pangaralan siya sa mali niyang ginagawa.
Maaari mo namang gawin ang pangangaral sa kanya sa paraang mahinahon para maihaÂyag mo sa kanya na labis ka lang nababahala tungkol sa kanya.
Hindi kita sisisihin pero dapat sana’y ginawa mo na ‘yan nang siya ay bata pa. Pero hindi pa huli ang lahat. Kung nagkukulang ka sa pa ngaral sa kanya, gawin mo na ito ngayon.
Dr. Love
- Latest