Dear Dr. Love,
Mayroon po akong isang magandang babaeng nililigawan at pakiramdam ko, ang aking damdamin para sa kanya ay may katumÂÂbas din na pagtatangi. Pero ang problema ko po Dr. Love, mayroon akong isang mahigpit na karibal sa kanyang pagmamahal. Isa itong tibo na malapit na kaibigan ni Marian noon pa mang sila ay mga bata.
Mahigpit na binabantayan ni Mel, pinaiksing Melanie ang nililigawan ko. Dahil ayon sa kanya, kailangan dumaan sa kanyang pagÂsubok ang sinumang mangangahas na umangkin sa kanyang girlfriend.
Tinanong ko si Marian kung totoong girl friend siya ni Mel, ang sabi niya ay kaibigan lang daw at hindi dapat ipagkamali na may relasyon sila, maliban sa pagiging parang magkapatid.
Sinabi ni Marian na malimit niyang sinasabihan si Mel na huwag i-harass ang kanyang mga manliligaw. Pero ang sinasabi daw sa kanya ni Mel, kailangan niyang matiyak na totoong tao ang mga manliligaw niya.
Hindi ko na sana papansinin pa ang ugaÂling ito ni Mel pero nagpapanting ang tainga ko nang malamang sinisiraan niya ako kay Marian. Ano po ba ang dapat kong gawin para mawala sa landas ko ang kaibigang tibo ni Marian?
Tulungan mo po ako. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Ang inyong tagahanga,
Dondon
Dear Dondon,
Linawin mo na mula kay Marian kung ano na ang score ng panliligaw mo sa kanya.
Sa tingin ko, matimbang sa puso ng nililiÂgawan mo ang kaibigan niyang tibo kaya nagagawa nitong daanin sa pananakot ang bawa’t manliligaw ni Marian.
Sa halip na banggain, kaibiganin mo ang tibong ito at kung totoo ngang nais lamang niyang mapangalagaan ang kapakanan ni Marian, tatantanan ka nito sa paninira at intrigaÂ.
Nasa kamay din ni Marian ang susi sa ikalulutas ng iyong problema. Kung nililinaw niya kay Mel na ikaw ang mahal niya, wala na itong magagawa pa.
Dr. Love