^

Dr. Love

Lapitin ng lalaki

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo at sa milyon mong mga tagasubaybay.

Isa ako sa mga masugid na sumusubaybay ng iyong pitak araw-araw. Tawagin mo na lang akong “White Lily” ng Santiago, Isabela.

Ako po ay 30 anyos na, may asawa’t isang anak. Pero sabi nila, mukha lang akong 20-anyos­ kaya kahit may asawa na ako ay mara­ming pumoporma sa aking lalaki­.

May tindahan kami at ako ang tumatao kaya maraming lalaking lumalapit sa akin at naki­ki­­pagkilala. Hindi ko naman sila puwedeng isna­bin kahit parang dumidiga na ang kanilang mga salita. Siyempre costumer sila.

Dahil dito’y nagseselos ang aking mister na nagtatrabaho sa isang sawmill. Sinasabi ko naman sa kanya na hindi ako papatol sa kanila. Ano ang gagawin ko para matul­dukan ang pagseselos niya?

White Lily

Dear White Lily,

Hindi mo kasalanan kung naging attractive ka sa mga lalaki. Pero tama ka. Huwag kang papatol sa kanilang pandidiga.

Agad mong sabihin sa kanila ang iyong katayuan bilang may asawa at may isang anak. Natitiyak ko naman na igagalang ka ng mga lalaking iyan.

Tungkol sa iyong asawa, bigyan mo siya ng assurance na siya lamang ang mahal mo at hindi ipagpapalit kahit kanino.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DAHIL

DEAR WHITE LILY

DR. LOVE

HUWAG

PERO

SHY

WHITE LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with