Inferiority complex

Dear Dr. Love,

Ang pangalan ko po ay Noriel, graduating sa kursong chemical engineering sa susunod na taon.

Maganda naman po ang mga grades ko at  hindi ako ang tipong ikahihiya ng magulang kung pag-aaral ang pag-uusapan.

Ang hindi ko maintindihan ay may inferiority complex ako na hindi ko mapaglabanan. Mas­yado akong kimi at mahiyain sa harap ng ibang tao.

Wala pa rin akong girlfriend dahil natatakot akong manligaw kahit may mga babae akong nagugustuhan.

Ang tingin nga ng ibang kaklase ko ay isa akong “nerd” dahil subsob ang ulo ko sa pag-aaral.

Ano ang gagawin ko para masupil ang kahinaan kong ito?

Noriel

Dear Noriel,

May mga taong likas na kimi pero iyan ay nawa­wala sa paglipas ng panahon.

Pero siyempre dapat ka ring mag-exert ng effort kung gusto mong mawala ang iyong inferiority complex.

Itanim mo lang sa isip mo na matalino ka at sa mga kaklase mo ay marami kang madadaig. Walang dahilan kung bakit dapat maging mababa ang pagtingin mo sa iyong sarili.

Dr. Love

Show comments