Dear Dr. Love,
Ang problema ko po ngayon ay ang pagdadalawang-isip ko kung dapat na ba akong makipagkalas sa aking boyfriend gayong mayroon na kaming commitment sa isa’t isa.
Wala po sa boyfriend ko ang problema kundi nasa akin ang diperensiya. Ang dahilan po, mayroon akong nakilalang isang guy na alam kong mas magiging compatible kami sa isa’t isa.
Unang-una, nabibilang kami sa iisang larangan ng propesyon at “we speak the same kind of language, “ika nga. Nakita ko nang magiging problema namin ng boyfriend ko sa kalaunan ang magkaiba naming career. Iba ang grupo ng kanyang kaibigan kaysa akin.
Nanliligaw sa akin ang guy na sinasabi ko bagaman alam niyang mayroon akong steady boyfriend. Alam daw niya ito pero hindi raw siya titigil hanggang hindi pa ako nakakasal.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Alam kong magiging unfair ako sa nobyo kong si Alex kung hindi ako magiging matapat sa kanya sa aking nararamdaman ngayon. Ano po ba ang maipapayo ninyo?
Maraming salamat po at hihintayin ko ang payo ninyo.
Gumagalang,
Jennifer
Dear Jennifer,
Nangyayari ang mga bagay na hindi natin inaasahan. Sa kaso mo ay nababaling ang atensiyon mo sa bago mong manliligaw. Tama ka, nagiging unfair ka sa iyong boyfriend dahil committed ka sa kanya, tapos nagpapaligaw ka pa sa iba.
Ang payo ko ay pag-aralan at tiyakin mo muna ang iyong damdamin para sa nobyo mo. Kung sigurado ka na gusto mo nang kumawala sa relasyon ninyo, and so be it. After all, mas mabuti ‘yon kaysa nakikipagrelasyon ka sa kanya tapos nagpapaligaw ka.
Kung gusto mong magkaroon ng panibagong pakikipagrelasyon, start it right. MaÂkipag-break ka sa boyfriend mo saka ka mag-entertain ng suitor. Dahil sa totoo lang, hindi ka naman lubos na magiging maligaya kung nabubuhay ka sa panloloko o pandaraya.
I just hope you did a better decision. Goodluck!
Dr. Love