^

Dr. Love

Secret love

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tutol ang kuya ko sa crush na crush kong ka­i­bigan niya dahil daw sa hindi magandang record nito sa babae. Kaya tigilan ko na raw ang pagpapa-charming dahil kung hindi ay masisira ang pagkakaibigan nilang dalawa.

Pero hindi ako nagpadala sa banta ng aking kapatid. At nang minsang nasa bahay si Rufo dahil hinihintay si kuya ay sinamantala ko ang pagkakataon para makipagkwentuhan sa kanya.

Noon ko nalaman na siya ang laging iniiwanan ng karelasyon niya dahil naiinip na pakasalan. Sa katunayan daw, wala pa siya talagang natatagpuan na babaeng pakakasalan at nagmamahal sa kanya ng tunay. Palakpak tenga ko dahil may pag-asa pa pala ako sa secret love ko.

Simula noon ay nagpaplano na ako ng stra­tegy kung paano makukuha ang atensiyon ni Rufo. Pero simula rin nang magkausap kami ay hindi na siya nagbalik uli sa bahay. Sabi ni kuya ay nagtatago raw dahil sa nabuntis na babae. Naguluhan ako, Dr. Love dahil hindi ganoon ang deklarasyon sa akin ni Rufo.

Limang taon ang mabilis na lumipas, Dr. Love….wala pa rin akong steady boyfriend dahil wala pa rin akong matagpuan gaya ng secret love kong si Rufo. Pero bago pa ako mawalan ng pag-asa kung magkikita kaming muli ay siya namang sulpot ni Rufo sa bahay. Hindi si kuya ang pakay niya kundi ako. At noon niya ipinagtapat na sinunod niya ang kundisyon ni kuya na kung makalipas ang 5 taon na wala akong boyfriend at siya ay hindi committed, pwede na niya akong ligawan. Matagal na rin pala siyang dead na dead sa akin.

Kasal na kami ni Rufo at mayroon nang dalawang anak. Si kuya ko, binata pa rin. Siya pala ang tunay na takot pakasal dahil sa pagiging broken-family namin. Pero napatunayan namin ni Rufo na kung tunay ang pagmamahalan, maiiwasan ang paghihiwalay ng mag-asawa. Si kuya ang hina­hanap ngayon ni Rufo ng maliligawan.

Salamat po Dr. Love at mabuhay kayo.

Gumagalang,

Flora

Dear Flora,

Mahal ka ng kapatid mo at hindi niya nais na maranasan mo ang sinapit ng iyong ina sa paghihiwalay nila ng tatay mo. Kaya pala siya ang mistulang tatay mo sa paghihigpit sa iyo at siguruhing hindi ka magkakamali sa pagpili ng ka-partner sa buhay.

Maswerte ka sa pagkakaroon ng respon­sableng kuya at life time partner. Hangad ng pitak na ito ang ibayong kaligayahan para sa inyong pamilya. Samahan n’yo rin ng dasal nang may pasasalamat ang bawat araw ninyo, lalo na sa paghahanap naman para sa mapapangasawa ng kuya mo.

Dr. Love 

vuukle comment

DAHIL

DEAR FLORA

DR. LOVE

KAYA

KUYA

PERO

RUFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with