^

Dr. Love

Kamag-anak ang inahas

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon nang yumao ang misis kong si Dulce, pero hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa nagawa kong pagkakasala sa kanya.

Nagkasakit po sa puso ang aking asawa, bukod pa ang pagkakaroon niya ng high blood pressure. Kaya kinailangan niyang maalagaan ng mabuti at ang pinsan niyang si Mimi na natigil sa pag-aaral ng nursing ang pinakiusapan namin. Para masiguro na naiinom niya sa oras ang mga gamot at nasusunod ang diet niya.

Sa kasagsagan ng sakit ni Dulce, sinabi niya sa akin na hindi niya magampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa at malaya ako na paminsan-minsan ay mag-good time. Pero ang hindi niya nakayanan ay ang pinsan niyang si Mimi ang aking inahas.

Nang magkabukuhan, umalis agad si Mimi marahil sa malaking kahihiyan at para makaiwas sa galit ng kanyang pamilya. Ako na ang nag-alaga simula noon kay Dulce. Sa mga panahong ito ay paulit-ulit kong inihihingi ng tawad ang kasalanan ko sa aking asawa. Pero para sa kanya, ang kakulangan niya ang dahilan kung kaya nagawa kong dungisan ang aming ma­trimonya. Dahil dito, hindi na niya hinangad na gumaling.

Nang sumakabilang buhay si Dulce, ang buong panahon ko ay ginugol ko sa pagtataguyod sa kaisa-isa naming anak na naisilang bago pa lumala ang kanyang sakit sa puso.

Dalawang taon na ngang wala ang aking maybahay pero hindi pa rin ako maka-move on, Dr. Love. Kahit pa may sulat siya na hindi ako ang ganap na sinisisi niya sa nangyari ay sinusurot pa rin ako ng aking budhi. Ano po kaya ang mabuti kong gawin? Payuhan mo po ako.

Maraming salamat po sa pagbibigay pansin nin­yo sa liham kong ito at sa ibibigay ninyong payo.

Gumagalang,

Anselmo

Dear Anselmo,

Batid mo kasi kung gaano kabigat ang idinulot ng iyong kasalanan sa malubha nang kabiyak mo. Pero pampalubag na maituturin ang iniwan niyang sulat sa iyo dahil inako niya ang ugat ng iyong pagtataksil, kundi sa kakulangan niya ay hindi mo ito magagawa. Napatawad ka na niya.

Ipagpatuloy mo ang pagtuon ng atensiyon sa naiwang alala ng iyong asawa, ang inyong anak. Hingin mo ang tulong ng Maykapal para ganap kang makakawala sa guilty feelings na nangyari sa iyong asawa. Sikapin mo rin na hindi malimutan ang leksiyong nakuha mo at mamuhay ka ng matuwid.

Dr. Love

 

DALAWANG

DEAR ANSELMO

DR. LOVE

MIMI

NANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with