^

Dr. Love

Pinili ni Inay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Boyfriend ko po ngayon si Fred, ang matagal kong manliligaw pero sinagot ko po siya dahil ayaw kong magdamdam ang aking inay na botong-boto sa kanya. May ibang crush po kasi ako na ayaw naman ni inay.

Alam ko po na mahal ako ni Fred, dahil hindi naman siya tatagal nang panliligaw sa akin kung hindi matindi ang damdamin niya sa akin. Nagustuhan po siya ni Inay para sa akin dahil bukod sa nakakatiyak daw po siya na magi­ging maganda ang kinabukasan ko kay Fred ay magkasundo pa sila ng ugali.

Kami na lang po ni inay ang magkasama sa bahay, mula nang pumanaw ang aking itay noong ako ay nasa third year college pa lang.

Magalang po si Fred, tinutupad niya rin ang pangako niya kay Inay sa oras ng aming pag-uwi kapag nagde-date kami. Lagi niyang idinadaan kay inay ang imbitasyon at kung minsan ay niyaya niya rin ito.

Hindi naman po pangit si Fred, Dr. Love pero hindi ko po talaga maramdaman ang kompor­tableng pakiramdam na nararanasan ko kay Dante kapag kami ay magkasama. Hindi ako nag-aalala kung anuman ang ugaling mapansin niya sa akin. Samantalang kay Fred ay parang lagi akong naninimbang sa pagsasalita at pakikitungo sa kanya.    

May pagsisisi po sa kalooban ko, na sana matagal ko nang sinabi kay Fred na magkaibigan na lang kami. Pero nasagot ko na po siya, dahil kay Inay. Ako po ngayon ang nag-aalinla­ngan sa aking sarili, kung siya na talaga ang lalaki para sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Elsie

Dear Elsie,

Habang may panahon ka pa ay pag-aralan mong mabuti kung ano talaga ang kalooban mo sa pakikipagrelasyon sa iyong boyfriend.

Sa pagkakasalaysay mo sa iyong liham, alam ko na malaki ang paggalang mo sa iyong ina at talagang ayaw mo na ikalungkot niya ang magiging pasya mo sa pakikipag-boyfriend. Pero alalahanin mo rin na hindi ang nanay mo ang makikisama sa lalaking mapipili mo, kundi ikaw. Kaya mahalaga na masiguro mo na maligaya ka sa piling ng lalaking pakikisamahan mo.

Totoo na walang magulang na magha­hangad ng hindi makabubuti para sa kanyang anak. Sa layuning ito ng iyong Inay mahal ka niya, isang matibay na basehan kaya nakakatiyak ako na mauunawaan ka niya sakaling sa ibang lalaki mo makita ang kaligayahan mo sa pakikipagrelasyon.

Dr. Love

DEAR ELSIE

DR. LOVE

FRED

INAY

KAY

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with