Teen Lover
Dear Dr. Love,
Magandang araw, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Lisa, isang guro sa isang exclusive boy’s school.
English subject ang itinuturo ko sa high school. Nagulat na lang ako nang magkaroon ako ng manliligaw na student ko.
Siya ay 16-anyos lang at matalino. Isa pang hinahangaan ko sa kanya ay responsable siya at napaka-mature sa kanyang outlook sa buhay.
Nagulat ako nang padalhan niya ako ng love letter. Una’y natawa ako at lihim ko siyang kinausap after the class at sinabi kong hindi kami nababagay dahil ako’y mas matanda sa kanya ng pitong taon at teacher pa niya ako.
Pero persistent siya at ayaw akong tantanan. Ano ang gagawin ko para kalimutan niya ang panliligaw sa akin?
Lisa
Dear Lisa,
Panatilihin mo lang ang attitude mo sa kanya bilang guro without antagonizing him.
Treat him like a friend and a kid brother at naniniwala ako na kahit sinasabi mong mature siya ay isa lang infatuation ang nadarama niya para sa iyo.
Wika nga, daanin mo sa diplomasya ang lahatÂ.
Dr. Love
- Latest