Dear Dr. Love,
Adult student po ako sa grade 6, sa edad na 18. Dahil pinakamatanda ako sa aming klase, hindi maiwasan na lihim na pagtawanan. Pero balewala po ito sa akin dahil gusto ko na kahit paano ay makapag-aral para tulungan ko si nanay sa paghahanap-buhay. Mahirap po kaÂsing makakuha ng trabaho ang hindi nakapagtapos kahit high school man lang.
Pero Dr. Love, hindi po ang tungkol sa kabuhayan ang pangunahing nakapag-uudyok sa akin na muling magbalik-iskwela, kundi sa inspirasyong hatid ng aming adviser na si Ms. Encarnacion. Dalaga pa po siya sa edad na 27, wala pa rin siyang boyfriend.
Bago lang po siya sa aming lugar bilang eleÂmentary teacher. Nagkataon po na may kamÂpanya ang mga guro para sa adult education, para sa mga hindi nakatapos ng elementary at high school. Isa po ako sa mga nahikayat, sa mas matimbang na dahilan dahil gusto ko po si Ms. Encarnacion. Dahil bukod sa maganda ay mabait pa siya.
Paano ko po kaya maipagtatapat sa kanya ang aking damdamin? At sa palagay kaya ninyo, mayroon akong pag-asang magustuhan niya? Hindi kaya maging malaking sagabal ang diperensiya ng aming edad?
Ngayon lang po ako nagkagusto ng ganito sa isang babae at sa tingin ko, langit at lupa ang agwat namin.
Gumagalang at nagpapasalamat sa mahalagang payo ninyo.
Fernando de Guia
Dear Fernando,
Sa edad mo at sa nabanggit mo na unang pagkakataon mong magkagusto nang gaya ng damdamin mo para sa iyong adviser, hinay-hinay lang muna. Mas makakatulong kung gagamitin mo bilang motibasyon muna na makatapos ng pag-aaral ang damdamin mo para sa iyong guro.
Kapag nakapagtapos ka na, makakuha ng magandang trabaho, maging stable sa buhay at magkataon na available pa rin si Ms. Encarnation, saka mo gawin ang balak na pagtatapat ng iyong feelings. Dahil by this time, may “pogi†points ka na, ika nga.
Pero mahaba-habang panahon ang lilipas, bata ka pa at malaki ang posibilidad na magbago ang iyong nararamdaman dahil marami kang makikilalang babae along the way. Kaya pag-aaral muna ang tutukan mo. MaÂkakapaghintay ang love life.
Dr. Love