In love sa student

Dear Dr. Love,

A warm greeting to you and all your avid fans.

Just call me Girlie, 23-anyos at isang public school teacher sa high school.

English subject ang itinuturo ko at may isang estudyante akong may gusto sa akin. Fourth year na siya ngayon.

Noong una’y sinasaway ko siya dahil inaakala kong biro lang ang mga patutsada niya. Siya ay 19 anyos lang.

Batid kong unethical ang pakikipagrelasyon  sa estudyante pero sa katagalan ay nakita ko kung gaano siya kapursigido sa akin.

Nararamdaman kong seryoso siya sa panli­ligaw at talagang mahal niya ako. Hanggang nga­yo’y tinitimpi ko ang aking sarili at ayaw kong magpahalatang may gusto ako sa kanya.

Ano ang gagawin ko?

Girlie

Dear Girlie,

Tama ka. Hindi ethical na pumasok ka sa isang love relationship sa isang estudyante. Ituloy mo ang pag­ titimpi.

Sabihin mo sa kanya na magseryoso sa pag-aaral hanggang makatapos siya. Kung tapos na siya ng kurso na hindi naman katagalan mula nga­yon, doon ka niya ligawan. Iyan naman ay kung available ka pa matapos ang apat o limang taon mula ngayon.

Kung college student na siya at wala na sa po­der ng inyong paaralan, puwede siyang umakyat ng ligaw sa inyong bahay at hindi na puwedeng makialam diyan ang school management.

Dr. Love

Show comments