Dear Dr. Love,
Hi and hello to you and your legion of reaÂders. Sana’y okay ka sa pagtanggap mo ng aking sulat.
Ikubli mo na lang ang aking pagkatao sa pangalang Lagrimas, 29 anyos. Lagrimas is a sad name dahil ang kahulugan nito ay luha.
Iyan talaga ang tingin ko sa aking sarili dahil sa lima kong naging kasintahan, lima rin ang aking kabiguan. Pare-pareho silang nagsaÂlaÂwahan.
Ang pinakahuli sa kanila ay naanakan ako na ngayo’y pitong taong gulang na. Nag tatrabaho ako ngayon bilang OFW dito sa Hongkong at ang anak ko ay nasa paÂngangalaga ng aking kapatid na may asawa at itinuturing na siyang tunay na anak dahil hindi sila pinalad na magka-anak.
Ngayo’y may nanliligaw sa akin dito sa HongÂkong na isang Pilipino. Tourist lang siyang nagÂpunta rito at nasa Pilipinas na siya ngayon pero tuloy ang komunikasyon namin. Hinihimok akong sagutin ko na siya at handa raw siyang magpakasal sa akin sa kabila ng aking nakaraanÂ.
Nararamdaman kong umiibig din ako sa kanya pero gusto kong supilin ang damdaÂming ito. Ano ang gagawin ko Dr. Love?
Lagrimas
Dear Lagrimas,
May lumang kasabihan na higit na mabuti ang umibig at mabigo kaysa tuluyang hindi umibig.
Ang payo ko’y pag-aralan mo ang background at pag-uugali ng manliligaw mo nang sa gayo’y matantiya mo kung magiging maÂbuti siyang kaÂsintahan at asawa in the future.
Hindi mainam na ipipinid mo na ang pintuan ng puso mo. Buhay ka pa, bata at may maganda pang kinabukasan na naghihintay.
Dr. Love