Madilim na nakaraan

Dear Dr. Love,

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Ms. Sec­retive­, 21-anyos, nagtatrabaho sa isang fastfood chain.

Marami akong manliligaw pero isa ang napupusuan ko. Kaso hindi ko siya masagot dahil sa madilim kong nakalipas. Isa akong rape victim.

Nung ako’y 17-anyos, hinalay ako ng isang anak ng maimpluwensyang tao. Dahil wala kaming pera para maghabla, nanahimik na lang ang aking pamilya.

Ano ang gagawin ko? Hindi ako makapag-move on dahil sa karanasan kong ito.

Ms. Secretive

Dear Ms. Secretive,

Ang kahapon ay hindi puwedeng burahin pero puwedeng kalimutan at ituring na tapos na ka­­banata ng buhay. Bawat tao ay may hindi ma­gandang karanasan bagama’t iba-iba lang.

Ipagtapat mo sa manliligaw mo ang nangyari sa iyo. Hindi mo kagustuhan ‘yon kaya hindi ka dapat magkaroon ng guilty conscience.

Kung tunay ang pagmamahal, ano mang ma­­­dilim na karanasan ay hindi makahahadlang.

Dr. Love

 

Show comments