^

Dr. Love

Buhay dalaga

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Jimmy, 30 an­yos at may asawa. Hindi man ako matatawag na perpekto ay hindi ako iresponsable sa pamilya.

Medyo malaki-laki rin ang kinikita ko sa aking pinapasukan bilang computer engineer pero ang misis ko ay walang malasakit sa aming­ kabuhayan.

Mabuti na lang at iisa ang aming anak. Halos walang natitira sa aking kinikita kaya sa nakalipas na mga araw ay pinagtataguan ko na siya. Masyado siyang maluho at madalas lumabas kasama ang kanyang mga kabarkada.

Talo pa niya ang isang dalaga. Ano ang dapat kong gawin para maituwid ko ang ma­ling ginagawa ng aking misis?

Jimmy

Dear Jimmy,

Karaniwan, ang misis ang treasurer sa ta­hanan o tagapag-ingat ng income. Pero kapag ganyan ang ugali ng isang asawang babae ay dapat lalaki na ang mangasiwa ng kabuhayan.

Ibigay mo na lang ‘yung para sa kanya at ikaw ang mag-budget para hindi kayo kina­kapos. I-program mo ang mga gastusin para ma­kita niya na ang bawat piso ng kinikita mo ay may mahalagang pinupuntahan gaya ng pa-aaral ng inyong anak, pagkain, damit, ba­ yad sa ilaw at kuryente at iba pa.

Mag-usap kayong dalawa dahil sa ano mang relasyon ng mag-asawa ay sensitibong isyu ang pera. Madalas pinag-aawayan iyan.

Pero kung madadaan mo sa hinahon at ipa­liwanag nang maigi sa kanya na kaila­ngang isipin ninyo ang bukas, naniniwala akong ma­uunawaan niya. Pagsabihan mo rin siyang bawasan ang pakikibarkada.

Dr. Love

ANO

DEAR JIMMY

DR. LOVE

IBIGAY

KARANIWAN

MADALAS

MASYADO

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with