^

Bansa

ICC iginiit hurisdiksyon sa Pinas bago kumalas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
ICC iginiit hurisdiksyon sa Pinas bago kumalas
Undated photo shows facade of the International Criminal Court in the Hague, Netherlands.
File

MANILA, Philippines — Nanindigan ang International Criminal Court (ICC) na may hurisdiksyon ito sa mga krimeng naganap bago mag-withdraw ang Pilipinas mula sa Rome Statute.

Sa ulat ng programang State of the Nation, nilinaw ni ICC spokesman Fadi El Abdallah,na ang mga kaso ay naganap mula 2011 hanggang 2019, na taon naman kung saan nag-withdraw ang ­gobyerno ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.

Sinabi pa ni Adballah na ang pagkalas ay hindi apektado ang obligasyon at hurisdiksyon ng ICC kundi apektado lamang ang hinaharap.

Sa usaping legal naman sa pagkakaaresto ni dating pangulong Duterte, bahala na aniya ang ICC judge na magdesisyon sa naturang isyu.

Dagdag pa ni Abdallah, kung mayroong hahamon sa legalidad ng pagkakaaresto ay maaari naman itong isumite sa mga huwes at sila na ang bahalang magdesisyon dito.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->