MANILA, Philippines — Ang gobyerno ang iniwan ni Vice-President Sara Duterte at hindi siya ang iniwanan ng gobyerno.
Ito ang iginiit ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro matapos ang pahayag ni VP Sara sa isang pagtitipon sa Hongkong ng mga Pinoy na iniwanan na ang Office of the Vice President (OVP).
Sinabi naman ni Castro, na ito ang nais nilang iparating na maging kaawa-awa ang OVP para maging kaawa-awa rin ang Bise Presidente.
Kung tutuusin aniya, binigyan ng pagkakataon si VP Sara na ipagtanggol at idipensa ang kanyang proposed budget at hindi rin hinahadlangan na magbigay ng tamang budget sa OVP kung ito ay maipapaliwanag niya.
Inihalimbawa nito ang thesis kung saan dapat din idepensa para mabigyan ng grado ,at hindi maaaring sabihin sa panel of judges na “kayo na po ang bahalang magbigay sa akin ng grade, basta iyan na po ang thesis ko.
“So wala pong nang-iiwan sa kanya, baka po siya po ang nang-iwan sa gobyerno,” pahayag pa ni Castro.