^

Bansa

Unemployment tumaas dahil sa ayuda – Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Unemployment tumaas dahil sa ayuda � Lacson
“Baka naman sa sobrang pagbigay ng ayuda tinamad ang ating kababayan, ayaw magtrabaho. So we should, I think this is personal opinion, i-revisit natin sa napakaraming porma ng ayuda,” pahayag ni dating Senator Panfilo “Ping” Lacson.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tumaas umano ang unemployment rate ng bansa dahil marami na ang tinatamad at ayaw magtrabaho dahil maraming inaasahang ayuda mula sa gobyerno.

“Baka naman sa sobrang pagbigay ng ayuda tinamad ang ating kababayan, ayaw magtrabaho. So we should, I think this is personal opinion, i-revisit natin sa napakaraming porma ng ayuda,” pahayag ni dating Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Para kay Lacson, dapat lang i-enhance ang 4Ps dahil ito ay may tamang datos at data-driven.

Ipinunto pa ni Lacson na kung bigay lang nang bigay ng ayuda na hindi nakabase sa datos na ­galing sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay baka nagtatapon lamang ng pera ang gobyerno.

“Kung bigay ng bigay tayo ng ayuda at di ito nakabase sa datos na provided ng PSA o national government, baka natatapon ang pera,” ani Lacson.

“Samantala kung 4Ps enhance natin, this is time-bound, after 7 years mag-graduate, may papalit na pamilya. Addressed ang nutrition at education, at binibigyan ng trabaho, nagkakaroon ng opportunity for livelihood,” dagdag ni Lacson.

Bukod sa 4Ps ang iba pang ayuda ay mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), at MAIP o Medical Assistance to Indigent Patients.

“Pero kung katakot takot na AKAP AICS MAIP, I hope my colleagues and former colleagues will bear me out this is my personal opinion, sana mag-stick tayo, enhance natin ang 4Ps kasi pinag-aralan yan. Samantalang ang ibang klase ng ayuda, di natin alam baka isa ito sa causes kung bakit tumaas ang unemployment rate from 3.1 to 4.3% kasi tinatamad na,” ani Lacson.

AKAP

SENATOR PANFILO “PING” LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->