MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ni Vice President Sara Duterte ang mga mananampalataya na magpakita ng kababaang-loob, kabaitan at awa sa lahat ng taong nangangailangan, maging sa mga nang-uusig sa atin.
Sa kanyang mensahe para sa Pista ng Poong Nazareno, sinabi ni VP Sara na ang Itim na Nazareno ay manipestasyon at patunay na kailanman ay hindi tayo nag-iisa sa pagharap sa lahat ng mga hamon na ating kinakaharap dahil ang Panginoon aniya ay palaging naririyan upang tayo ay gabayan, sabayan sa paglalakbay at pasanin ang krus para sa ating lahat tungo sa kaligtasan.
Ayon pa kay VP Sara, ang debosyon ng mga mananampalataya sa Itim na Nazareno ay isang testamento sa matibay at malalim na pananampalataya at tiwala sa mga milagro ng Panginoon na nagsisilbing bukal na nagbibigay sa atin ng lakas, tapang, at inspirasyon upang maging matatag habang pinanghahawakan natin ang ating mga pananampalataya na malalampasan ang mga pagsubok na darating sa ating mga buhay.
“We are also called to show humility, kindness, and mercy to everyone in need, even to those who persecute us,” aniya pa.
Dagdag pa niya, “Let us all continue to pray for healing, wisdom, and guidance as we renew our faith in prayer and contemplation of our mission as God’s children. Let us also continue to pray for our nation and for our fellow Filipinos, especially those who are in need, the sick, and the dying.”