Partylist solon inihirit pension, benepisyo sa mga bilanggong senior ciitizens

MANILA, Philippines — Umapila si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ibigay din sa mga nakakulong na senior citizens ang mga angkop na benepisyo.

“Dahil hindi nakikita ang ating elderly persons deprived of liberty (PDL) kaya hindi na rin sila naiisip sa usapin ng mga programa at benepisyo para sa senior citizens,” saad ng mambabatas.

Apela niya kay DSWD Sec. Rex Gatchalian at Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na magpalabas ng direktiba na maisama ang mga matatandang bilanggo sa indigent senior’s pension, gayundin na mairehistro sila bilang miyembro ng PhilHealth.

Ang mga elderly PDLs naman sa mga lokal na kulungan ay kuwalipikado sa mga benepisyo at programa ng lokal na pamahalaan sa senior citizens, sabi pa ni Ordanes.

Naniniwala rin ang mambabatas na kapag nagawa ito ng gobyerno, mapapadali na sa mga matatandang bilanggo na makabalik sa lipunan kapag sila ay nakalaya sa pamamagitan ng parole, pardon, executive cle­mency o dahil sa Good Conduct Time Allowance.

Show comments