Publiko pinag-iingat sa paggamit ng Christmas lights
MANILA, Philippines — Pinag-iingat ni Senator Sherwin Gatchalian ang publiko sa paggamit ng mga Christmas lights at iba pang pamaskong dekorasyon na ginagamitan ng kuryente.
Ito ay para maiwasan ang sunog sa gitna ng pagdiriwang ng kapaskuhan.
Ayon kay Gatchalian, ngayong holiday season ay dapat na iprayoridad din ang kaligtasan ng ating mga tahanan at komunidad.
Babala pa ng senador, ang mga faulty wirings, overloaded outlets at mga hindi ino-off na dekorasyon ay maaaring mauwi sa trahedya sa halip na kasiyahan.
Mainam din aniyang salubungin natin ang Pasko at Bagong Taon na masaya at ligtas mula sa kapahamakan ang lahat.
Dahil dito kaya hinikayat ng mambabatas ang bawat pamilya na regular na suriin ang kanilang dekorasyon upang maiwasan ang overloading ng mga electrical circuits at magkaroon ng basic fire safety measures na nakahanda sa bawat tahanan.
- Latest