^

Bansa

VP Sara kumasa sa psychiatric exam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
VP Sara kumasa sa psychiatric exam
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng kahandaang sumailalim sa psychological, neuropsychiatric at drug tests kung sasailalim din si Pang. Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan sa drug test.

Ayon kay Duterte, batid niyang marami ang nagsasabing baliw siya at wala sa tamang pag-iisip kasunod na rin ng kanyang mga aksiyon at pahayag laban sa mga opisyal ng pamahalaan.

Aniya, handa naman siyang sumailalim sa anumang pagsusuri kung magpapa-drug test din ang mga opisyal ng pamahalaan.

“Sinabi nila na ako daw ay krung-krung. Ako daw ay baliw. Ako daw ay wala sa tamang pag-iisip. Ano ba ang sabi ko sa lahat? Psychological test? Kahit ano ‘yan. Neuropsychiatric test? Kahit ano pang test yan, gagawin ko ‘yan. Dagdagan ko pa nang drug test,” ani VP Sara. “Pero dapat magpa-drug test ang lahat ng nagtatrabaho sa Office of the President, Office of the Vice President, sa lahat ng opisina ng Senado, sa lahat ng opisina ng House of Representatives, sa lahat ng departamento ng ating bayan, ng ating pamahalaan.”

Hamon pa niya, “Magpa-drug test tayong lahat sa harap ng taong bayan.”

Iginiit ng bise presidente na dapat na ­ipakita ng pamahalaan sa taumbayan na matino ang mga opisyal ng ­gobyerno, sa pamamagitan ng pagpapasuri.

Umapela rin siya sa kanyang mga taga­suporta na manatiling kalmado upang maiwasan ang kaguluhan. “Ayaw natin ng kaguluhan. Peaceful assembly at freedom of speech ang ating hangad.”

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with