Duterte itinanggi na may inihagis na tao palabas ng helicopter

MANILA, Philippines — Itinanggi ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang nauna niyang pahayag noong 2016 na inihulog niya sa lumilipad na helicopter ang isang naarestong pinaghihinalaang kidnapper.

Sinabi ni Duterte sa House quad committee na ‘hyperbole’ lamang ito bilang banta sa mga korap na mga pampublikong opisyal ng pamahalaan at hindi niya ito ginawa.

“You said publicly and I quote: ‘If you are corrupt, I will fetch you using a helicopter to Manila, and I will throw you out. I have done this before, why would I not do it again?’” ani Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa eksaktong pahayag ni Duterte na ikinober pa ng internasyonal na media tulad ng Washington Post.

“Hindi sir, hyperbole lang ‘yan sir. Hindi papayag ang piloto n’yan sir,” giit ni Duterte ng matanong ni Abante kung sino ang itinapon nito mula sa lumilipad na helicopter.

“Well sir sabi ko, storya lang. Para sa kriminal. Pero paano ko itapon ‘yan, buksan mo pa ‘yong… hyperbole nga,” paliwanag pa ni Duterte bilang panakot umano sa mga kriminal na huwag subukan ang kaniyang administrasyon dahilan may kalalagyan ang mga ito.

Show comments