^

Bansa

Nika lumabas na, Ofel lumalakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Nika lumabas na, Ofel lumalakas
Si Ofel ay bahagyang lumakas habang kumikilos pahilagang kanluran sa may Philippine sea.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Lumabas na ang Bagyong Nika sa bansa at ngayoy napalitan na ng bagong pumasok na Bagyong Ofel.

Si Ofel ay bahagyang lumakas habang kumikilos pahilagang kanluran sa may Philippine sea.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 950 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilo­metro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 105 km bawat oras.

Sa Huwebes ng gabi (November 14), si Ofel ay tatawid mula northwestward puntang northward sa buong forecast period nito.

Magla-landfall ito sa may Northern o Central Luzon Huwebes ng hapon o gabi.

Sa susunod na tatlong araw si Ofel ay patuloy na lalakas at maaabot ang typhoon category ngayong Miyerkules ng gabi (November 13) o Huwebes ng umaga, November 14.

Maaabot ni Ofel ang peak intensity bago ito mag-landfall.

Inaasahang matin­ding uulanin ng bagyo ang Luzon at makakaranas ng malalakas na hampas ng hangin at posibleng storm surge. Partikukar na maaapektuhan ng bagyo ang eastern portions ng Central at Southern Luzon.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with