Mga Pinoy ‘TNT’ sa US dapat umalis na - Philippines envoy
MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang mga ilegal na Filipino immigrants sa United States na kusang umalis upang hindi ma-blacklist matapos manalo si US President Donald Trump.
Tinatayang aabot sa 250,000 hanggang 300,000 ang mga illegal Filipino immigrants sa US.
Sinabi ni Romualdez na mas makakabuting maiwasan ng mga illegal Filipino immigrants ang ma-deport.
Nakatitiyak si Romualdez na mas magiging mahigpit ang patakaran sa immigration sa Amerika lalo pa’t kabilang ito sa mga ipinangako niya sa mga Amerikano kaya siya nanalo.
Kung kusang aalis ang mga illegal immigrants at hindi na hihintayin pang ma-deport, may pag-asa na muli silang makabalik sa nasabing bansa. Sa sandaling ma-deport, mayroong 99 porsiyentong pagkakataon na ang isang tao ay hindi makabalik sa US.
Posible rin aniyang ipatupad ang isang bagong batas tungkol sa immigration dahil kontrolado ni Trump ang Kamara at Senado.
Sa kabila ng inaasahang mas mahigpit na mga panuntunan sa imigrasyon, sinabi ni Romualdez na naniniwala siyang ang mga nurses ay magiging eksepsiyon dahil sila ay lubhang kailangan.
- Latest