^

Bansa

Multa sa EDSA bus lane gawing P50K - Tulfo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Multa sa EDSA bus lane gawing P50K - Tulfo
Senator Raffy Tulfo on February 27, 2024.
STAR/ Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Kung si Senator Raffy Tulfo ang masusunod, nais nitong gawing P50,000 ang multa sa mga pribadong sasakyan na dumaraan sa EDSA bus way mula sa kasalukuyang P5,000.

Naniniwala si Tulfo na panahon na para taasan ang multa dahil maliit ang kasalukuyang multa ay kayang-kaya itong bayaran ng mga nahuhuli.

“Dapat taasan ang multa kasi maliit ang P5,000 gawin nating P50,000,” ani Tulfo.

Muling naging isyu ang pagdaan ng pribadong sasakyan sa EDSA bus lane matapos tumakas ang isang pribadong sasakyan na gumamit ng plate number 7 na nakatalaga sa mga senador.

Inihayag din ni Tulfo na hindi na dapat pahirapan ng pasahero ng SUV ang maraming tao at dapat aminin na nila na sila ang sakay ng sasakyan.

Idinagdag ni Tulfo na base sa kanyang impormasyon ay kamag-anakan ito ng isang senador.

Nauna rito, lumutang ang pangalan ni Sen. Sherwin Gatchalian bagaman at hindi umano ito ang sakay ng SUV.

Idinagdag ni Tulfo na sa ngayon ay 24 na senador ang napapagbintangan bagaman at nakatitiyak si Tulfo na hindi senador ang sangkot sa eskandalo sa EDSA.

“Kung ako doon sa pasahero huwag mo nang pahirapan pa ang maraming tao, aminin mo na, sabihin mo na, nagkamali ka. Isurrender mo ‘yung driver mo and mag-apologize. Kasi sa ngayon ang nangyayari napagbibintangan ang 24 (23) ninyong senators and I know for a fact na wala sa 24 (23) senators namin ang involved doon sa eskandalong ‘yun sa EDSA,” ani Tulfo.

RAFFY TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with